WALANG AAYAW, THINK POSITIVE

revicon
umagang umaga gising na. naghahanda sa pagod na kakaharapin nya sa buong araw pero ni hindi makapaghanda ng agahan nya. isusuot ang damit na nanipis na sa pawis na pilit na pinapaputi ni misis.yan ang buhay manggagawa.

sila ang tigagawa ng yaman, gamit ang kanilang lakas paggawa, nagtatayo ng naglalakihang gusali, gumagawa ng sapatos, nagtatahi, nagmamartilyo, nagbubuhat, nagdidikit, nagmamaneho, naglilinis, nagbebenta…etc. sila yun!
ngunit sa kabila ng pagod buong araw at inaraw-araw ay kakarampot lang ang natatanggap na sahod.

sa hindi makatarungan na halaga ng lakas paggawa, pilit pinagkakasya para mabuhay ang pamilya at makapagtrabaho ulit kinabukasan.

heto at sumulpot si robin, sumisigaw, “walang aayaw! think positive!” daw!
pero kung iisipin, ano ba ang positibo sa pagod na pagod na tao pero dapat wag tumigil sa pagtatrabaho? uminom lang ng mahiwagang tabletang nagpapalakas kuno at  mawawala na ang pagod na nadarama. ano ba ang positibo sa pagpapakahirap pero hindi sapat ang kapalit? anong positibo sa paghingi mo ng dagdag sahod sa gubyerno pero ang sinusukli ay dahas?

isa na namang walang kwentang patalastas mula sa gahamang kapitalista na ginagamit ang “think positive” quote para matakpan ang pagpapahirap sa mga manggagawa. sinasabi na dapat tuloy lang sa trabaho. kung may nadaramang sakit ng katawan at pagod, inom ka lang.

PW-main-story-manggagawa-tanggalan-artwork-antipas-delotavo
ang positibo ay aktibismo.
workers of the world unite, you have nothing to lose but your chains.
walang aayaw, think positive!

why should we thank cory

cory

wala pa ako sa mundo noon. magkahiwalay pa lang akong cell sa loob ng aking nanay at tatay. o baka magkaisa na sila. either ways, hindi ko talaga naranasan ang pagtatapos ng martial law.baka nakapikit pa lang ako noon.pero malamang, naranasan ng aking mga kapatid at magulang ang rehimeng marcos patungong “tie a yellow ribbon on the sick tree” cory.

pero sa aking pagtanda, unti unti kong naramdaman ang rehimeng cory. hanggang kinder malamang. naalala ko sa tibi naming black en wyt ang lagi niyang pag suot ng yellow na damit. mmm…

mendiola_massacre

konting google sa kanyang rehimen at makikitang hawak niya ang korona ng pinakamaraming kudeta (coup de etat) at ang madugong Mendiola Massacre na kumitil sa 11 na magsasaka at sumugat at nagiwan ng peklat sa 100 pa. nariyan ang pagsasabatas ng huwad na reporma sa lupang CARP para sa pagpapatuloy ng pagpapahirap sa magsasaka na magkamit ng sariling lupa at Herrera Bill na pumipigil sa manggagawa sa pag-uunyon at paglaban para sa karapatan. nariyan din ang paggamit sa militar at pagdeklara ng “total war” para supilin ang tunay na demokrasya na ipinaglalaban ng mamamayan.

kaya bakit ba natin pasasalamatan si cory?

1101860224_400

marahil ay dahil siya ang inasam na pagbabago na inaantay ng mamamayan sa kadiliman ng martial law. isang kandila na inaasahang magliligtas sa kamay na bakal ng diktadura. isang pigura, (dahil sinanay tayo ng kultura na umasa sa isang tao at hindi sa ating samasamang pagkilos) tulad ng kanyang asawa na si ninoy (na may clothing line) na tagasulong daw ng pagbabago.

pero ano nga ba ang inabot ng people power? ni ninoy at ni tita cory? hindi ba’t naging icon na lamang sila sa kinapos na pangako ng People Power na sa huli ay nagpustura na lamang na “demokrasya” para sa pagpapatuloy parin ng pagasamantala?

pero nitong mga nakaraang mga buwan at araw, nagpahayag naman siya sa pagtutol sa chacha. sa pagmamaniobra at pagpalit ng konstitusyon na bunga ng people power kung saan siya bumida. ironic na namatay siya sa panahong itinutulak ang chacha.

symbolic na ang pagkamatay niya ay maaaring pagkamatay na rin ng “demokrasya” na kanyang ibinabandila. doon ako marail nagpapasalamat.

pero para saakin, mas lubos kong papasalamatan at paparangalan ang milyon milyong masa, aktibista, pari, madre, estudyante,mga magagandang kolehiyala,guro, magsasaka, manggagawa mga progresibong mamamayan at mga tinuturing na rebelde ng ating lipunan. sila ang tunay at lubos na dapat pasalamatan sa kanilang pagtutulak at pag papakasakit, buhay man ang kapalit para maisulong ang tunay na demokrasya. ang Pambansang Demokrasya.

pag mamamatay si Gloria, magpapasalamat ka rin ba?

micro mini, ay ate! kita ang panty!

to mantika

hot na hot ang katawan. pinagpapawisan. sumasabay sa init ng panahon at mga green house gases ang cool na cool na outfit na sobrang ikli, micro mini! luluwa ang mga mata ng kalalakihan sa mga dalagang nagdaraan. akala mo nakalimutang mag pantalon sa sobrang luwang ng pantaas pero sobrang ikli ng pambaba.

di na bago ang pagbabago. mula maria clara ay naging susmariahusep. kasabay nitoy natatabunan na rin ang mga katotohanang dapat nating masipat. na ang kababaihan ay hindi nilalako. hindi manikin. bagkus lumalaban. mahaba at masalimuot ang pakikibaka ng kababaihan sa pagakapantaypantay. na ngayon ay binabababoy na lamang sa pagkakapantypanty.

isipin mo, opurtunistang kapitalista nga naman. kasabay ng paglalako sa katawan ng kababaihan ay nakakatipid din sila sa pag gawa ng kanilang surplus na produkto. ayon sa aming research (ivon foundation), sa kada isang pantalon na nagagawa nila, equivalent nito ay tatlo hanggang apat na micro mini.(at may sobrang bulsa!) kaya san ka pa kung ikaw ay utak ganansiya?

micro mini

no wonder sa pag usad ng “pagbabago” ay nagbabago narin ang populasyon natin. pabata ng pabata ang mga nagbubuntis at mas cool ka na pag mas marami kang “karanasan” na parang paghahanap na lang  ng trabaho. on the job training kumbaga.

pero hindi tayo pakakahon. sa isang lipunang burges( money, greed, money, greed), dekadenta (legs, legs, legs legs lang ba?), kolonyal (it’s colonial, you imbecile!), pyudal (yes father, its coat saver!) at patriyarkal (macho macho man! i wanna be hagibis man!) tayo ay babalikwas.

ayon sa interbyu kay nanay (itinatago na lamang sya sa pangalang ibit): darati-rati noon, kapanahunan ko, matagal na…kunting pakita lang ng kutis, kurot na sa singit. pero ngayon, parang gustung gusto na nilang magpakurot sa singit. (nanggigigil na sabi ni nanay ibit na parang gusto ulit maging dalagita para maranasan ang micro mini.=)peace po nanay!)

kaya, san ka pa. ngayong umabot na sa tag ulan (dahil sa delay ng article na to) ay di na mababasa ang pantalon, pantylon na kasi. lalala. ayan na ang baha! next stop, super high heels!

tulog pa ba ang mantika?

power to the kapitalista

nakakatawa na kahit sa pinakasadsad na ekonomiya natin ngayon ay nagagamit parin ng mga kapitalista na pagkakitaan tayo.

nariyan ang mga instant msg overdose na mga instant intances na mga pagkain pantawid gutom designed para makain agad sa isang 15minute break (5 minutes para bumaba galing sa office building, 1 minute para pumili, bumili, magbayad at antayin ang sukli at buhasan ng mainit na tubig at 3 minutes para antaying “malulto,” 1 minute para kainin at  5 minutes para bumalik ulit sa opis.) pati nga “free” at “bonus” packs at mga walang tigil na pag unlad na shampoo,toothpaste at mga pinapahid na pampabeauty. at wala ka bang napapansin sa pagsulpot ng napakaraming energy drinks ngayon?

pero sagadsagaran na ang gamitin ang mga  mass up at kilos protesta para lamang makapagbenta ng produkto.

nariyan na ang kung ano anong mga promo at tagline ng mga produktong nag kakapitalisa sa ating paghihirap at inaasam na tagumpay.

tignan natin ang Republika ng TM. power to the piso at pagsasadula ng samasamang pagkilos. pati narin ang tagline na “power to the people.”

republika

tama nga naman na ipakita ang magandang maidudulot ng samasamang pagkilos na sinadula sa isang jeep na padausdos sa isang bangin at sa “power to the piso” ang nakapag tawag sa lahat para magkaisa at gumawa ng isang tulay. maganda ang konsepto at tama pero dudulo parin ito sa pagbebenta ng produkto. matatabunan parin ng serbisyong nilalako sa potential consumer at malilimutan ang tunay na mensahe ng samasamang pagkios. nariyan at ngayon, ang republika ng TM ay isang daluyong ng mga taong may mga naghuhumiyaw na pulang bandila paakyat ng bundok para lamang ilako ang kanilang serbisyo.

ang kilos protesta ng masang api ay hindi inilalako.

nariyan din ang pinakabagong energy drink na Samurai.

samurai22

todo ang kapit na popular na kulturang masa na pati ang kanilang mga ad campaign ay swak sa kalagayan nila. nariyan ang border ng kanilang produkto na  anyong jip at sagwan para sa anakpawis (wirdo lang na hapon ang packaging) at ang  pinakalatest na “balita” ng pag rarally ng mga anakpawis sa welcome rotonda na may plakard na “Tama na ang Pagod!” at may free taste ng Samurai.

hindi ganito kababaw ang ating ipinaglalaban.  at hindi sapat ang energy drink para mapawi ang pagod at hirap ng masang api at pinagsasamantalahan.

samurai

ang nagaganap ngayon ay isang pagpapalabo at pagpapalabnaw ng mga tunay na isyu na kinakaharap natin ngayon. hindi ng hayden camera scandal na laos na at kung ano ano pang nilalako sa atin ng nananaig na kultura.

ang nangyayari ay nakukunteno na lamang ang mga tao sa mas pinadali at magaan na paraan para mabuhay at nasasanay na lamang sa mga hindi naman talaga normal na pagkakataon.

ngayon ang panahon ng pagkilos. hindi tayo pakakahon sa idiot box na nagbibigay solusyon sa maliliit na mga konsumisyon na sila rin ang nagdulot. hindi ng kung pano ka makakapag unli ng pinakamababa  o makapag padala sa mahal sa buhay ng mas mura o mapawi ang pagod para mapawi ulit ang pagod kinabukasan (mabuhay lamang ng isang araw para makapag trabaho ulit kinabukaaan para mabuhay ulit) nasa atin ang pagkilos. hindi tayo uupo na lang ang panoorin sa sila ang kumikilos. nasa atin ang desisyon. magpapatangay ka na lang ba sa alon?

tulog parin ba ang mantika?

kapirasong mantika

mantika. parang tao, degs? may gising at may tulog. may gising sa mga nagaganap sa lipunan at may tao namang tulog pa ang diwa ng pagiging makabayan. at tulad ng tulog na mantika, upang makagisa ay nangangailangan ng isang naglalagablab na apoy para magising.

Ganoon din ang taong tulog pa, (maliban na lang kung nagtutulugtulugan(daming “u” noh?) ) upang magising sa realidad ay nangangaiangan ng pagliyab mismo sa damdamin. at ang pagliyab nito ay magmumula sa kahirapan na nadarama nya at ng masang pinagsasamantalahan (nicole & smith?). nagmumula ito sa lipunan at ang krisis na palala nang palala. ito ang gigising sa mahabang gabi ng pananaginip na wala namang patutunguhan. magugulat ka nalang bigla umaga na pala.

Gisahin natin ang lipunan gamit ang ating mantika.

Mag-exercise tayo tuwing umaga.

Tulog pa ba ang mantika?